Jessy Mendiola attests Sandara Park’s popularity in South Korea
Ikinuwento ni Jessy Mendiola ang pagkikita at pag-uusap nila ni Sandara Park nang muling bumisita ang Maria Mercedes star sa South Korea.
Noong October 29 lumipad si Jessy sa South Korea.
Namalagi siya roon ng limang araw para sa kanyang Korean premium tour, kung saan pinuntahan niya ang mga kilalang landmarks doon.
Nagkaroon din si Jessy ng pagkakataon na makita si Sandara habang naroon siya.
“First time ko siyang na-meet, krungkrung na krungkrung…” panimulang kuwento ni Jessy tungkol kay Sandara.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa press launch niya bilang honorary Korea Tourism ambassador noong November 27, Miyerkules, sa The Manila Peninsula Hotel, Makati City.
Noong nasa local showbiz pa si Sandara, “Pambansang Krungkrung” ang bansag sa kanya.
Ito ay bilang pagtukoy sa nakatatawa at kakaibang personalidad ng Korean actress.
Sumali si Sandara sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle QuestSeason 1 noong 2004.
Naging runner-up siya ng nanalong si Hero Angeles, na kalaunan ay naging ka-loveteam niya.
Ngunit nang lumamlam ang career niya sa Pilipinas, nagdesisyon si Sandara at ang kanyang pamilya na bumalik na lamang sa South Korea.
Nagulat ang maraming Pinoy dahil pagkalipas ng ilang taon ay napabilang si Sandara sa all-female singing group na 2NE1, na sikat na sikat ngayon sa Korea.
STILL POPULAR. Pinatunayan naman ni Jessy ang kasikatan ni Sandara sa Korea.
Makikita pa nga raw ang billboards nito sa iba’t ibang lugar sa Seoul.
Sabi ni Jessy, “Sobrang sikat niya sa Korea, as in makikita mo yung mukha niya everywhere!”
“Sabi ko, ‘Sikat na sikat ka sa Philippines, love na love ka pa rin ng mga Pinoy.’”
Hindi raw makapaniwala si Sandara kaya natawa na lang si Jessy.
Medyo pagod daw si Sandara nang magkita sila dahil may pinanggalingan itong event, pero game pa rin daw itong nakipag-usap sa kanya.
“Pinag-usapan lang namin kung kumusta siya dun, kung na-miss ba niya ang Philippines.
“Sabi niya, gusto na niyang bumalik dito, gusto niyang bumisita.
“Tapos… ewan kung papayagan siya.”
(omitted unrelated parts)
Credits: PEP.ph




Comments on: "Article: Jessy Mendiola Attests Sandara Park’s Popularity in South Korea" (2)
wohhhh…ay salamat naintindihan ko rin kahit walang eng. sub…
please translate in english~ i don’t understand